BPSO, Nagbigay ng Security sa PRDP Construction Site

Noong ika-18 ng Enero, inumpisahan na ang konstruksyon ng “San Gabriel 2nd Farm to Market Road with 2 Bridges Project” sa Brgy. San Gabriel 2nd, kung kaya’t agad na nagpadala ng security detail at traffic assistance ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa naturang proyekto.

 

Ito ay upang maging maayos ang implementasyon nito, pati na ang daloy ng trapiko sa mga daanan, kabilang na ang pag-aabiso sa mga sasakyang bumabaybay sa lugar.

 

Bilang buong suporta sa proyekto, ang BPSO ay patuloy na magbibigay ng mga naturang serbisyo (seguridad at traffic assistance) hanggang sa matapos ang proyekto.