Ang kawalan ng disiplina at tahasang di pagsunod sa batas ukol sa road at sidewalk obstructions ay nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga pedestrian at motorista. Kung kaya’t sunod na tinutukan ng Road Clearing Task Force ang Oplan Baklas ngayong araw, February 15, ang mga vendor na nakaharang pa rin sa sidewalk kahit pa matapos ang dalawang linggong palugit na ibinigay sa kanila upang iproseso ang kanilang mga permit.
Gaya ng dati, pinamunuan ni Bayambang Public Safety Officer (BPSO), Ret. Col. Leonardo Solomon, ang operasyon, kaagapay ang mga BPSO personnel, PNP-Bayambang sa pangunguna ni Deputy Chief, PMaj Mark Tubadeza, foreman Leo Villanda at Engineering Office personnel, Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Senior Inspector Divine Cardona, Dr. Joselito Rosario ng Slaughterhouse, Solid Waste at Special Economic Enterprise team, Rural Health Unit (RHU) Sanitary Inspector Jonathan Florentino at RHU, Business Process Licensing Office, at Department of the Interior and Local Government.
Ang grupo ay nagclearing operation sa Brgy. Nalsian Sur, Tamaro, Poblacion Sur, Cadre Site, Zone 1, 2, 3, 4, at 7, Bani, at Del Pilar.