Noong February 15, nagbukas na ang Bayambang Municipal Museum: Home of Innovation para sa publiko. Naging tampok sa opening na ito ang exhibit ng mga painting ng mga visual artists na taga-Bayambang, kung saan naging tema ang kababaihan at inobasyon. Alinsunod ito sa selebrasyon ng National Arts Month sa buwan ng Pebrero at International Women’s Month sa buwan ng Marso. Ang museo ng bayan ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon.