Public Hearing on Updated Revenue Code and Local Economic Enterprise Code

Nagpatuloy ang palitan ng saloobin at kuru-kuro sa ginanap na pampublikong pandinig ukol sa dalawang napakahalagang panukalang ordinansa noong February 13 sa Balon Bayambang Events Center:

 

* Proposed Tax Ordinance No. 23-001: An Ordinance Enacting the Revised Revenue Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan

* Proposed Tax Ordinance No. 23-002: An Ordinance Enacting the Revised Local Economic Enterprise Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan

 

Sa ginawang konsultasyong ito ng Sangguniang Bayan ng Bayambang, malayang napapahayag ang saloobin ng mga apektadong sektor (ang ating mga public market vendors) sa mga opisyal ng bayan at nakakatulong ito sa maayos at makatarungang pagbalangkas ng mga naturang panukalang batas.