Huling Public Hearing para sa Fare Matrix

Para plantsahin ang nalalabi pang mga isyu ukol sa tricycle fare matrix, itinakda ngayong araw ang huling public hearing ng Sangguniang Bayan para sa nasabing isyu, at ito ay dinaluhan ng mga TODA members ng Bayambang.

 

Ginanap ang pagdinig sa SB Session Hall sa pangungunang muli ni SB Committee Chairman on Transportation and Communication, Councilor Amory M. Junio, at sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel Camacho.