Noong Pebrero 7, inumpisahan ng RHU I ang pag-ikot sa mga barangay upang magbigay ng libreng dental health services sa mga bata bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero.
Kabilang sa mga libreng dental health services ay ang oral health information-education campaign, toothbrushing lecture, toothbrushing drill, at fluoride application.
Ang mga pinakahuling nabigyan ng serbisyo ay ang mga sumusunod: Brgy. Sanlibo (33 kabataan), Idong (28), Inanlorenza (26), RHU I (9).