Muling inilunsad para sa taong 2023 ang Operation Timbang Plus (OPT Plus) ng Nutrition Office at mga Rural Health Unit, katuwang ang mga Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar, at Barangay Health Council.
Ang OPT Plus ay nakaschedule kada first quarter ng taon, kung saan sinusuyod ng Nutrition Office at Rural Health Unit midwives at nurses ang lahat ng barangay upang hanapin ang mga bata edad 0-59 months para ma-assess ang kanilang nutritional status at matukoy kung sino ang mga nararapat na benepisyaryo ng mga intervention program ng mga naturang departamento.
Isa itong mabisang paraan upang maiwasan ang insidente ng malnutrisyon sa ating bayan.