Ang Bayambang Municipal Library ay nagpapasalamat sa dalawang donors ng bagong set ng mga libro. Ang una ay nanggaling sa National Library of the Philippines (NLP) sa tulong ng Pangasinan Provincial Library.
Ang pangalawang kahon ng mga libro ay hatid ng isang Bayambangueña at dating guro na nakabase ngayon sa Amerika na si Gng. Clarita Ferrer-Tagab.
Mula sa LGU-Bayambang, maraming maraming salamat po, NLP at Ma’am Tagab!