MNJQ, Nagbigay ng Bagong Uniporme sa LGU

Bagong set ng uniporme ang ipinamigay ni Mayor Niña Jose-Quiambao para sa bawat empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang. Lubos ang pasasalamat ng 966 na empleyadong nakatanggap ng libreng uniporme na ipinamahagi ng Human Resource Management Office sa pangunguna ni HRMO Nora R. Zafra sa iba’t ibang opisina.

 

Mula pa noong si former Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao pa ang nakaupo ay nakaugalian na ng mag-asawa ang pag-donate ng uniporme at iba pang mga kagamitan sa mga empleyado ng LGU na makakatulong sa paghahatid ng epektibong serbisyo publiko.

 

Maraming salamat, Mayor Quiambao!