Batang May Cleft Palate, Ipinaopera ng Libre ni Mayor Niña

 

Lubos na nagpapasalamat ang mga magulang ng batang si Jerzey T. Bambilla kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa pagtulong para maisaayos ang kundisyon ng kanilang anak na may cleft palate.

 

Ayon sa mga magulang, si Jerzey ay nagkaroon ng magandang ngiti, salamat sa donasyon ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation at sa pag-asiste ng Municipal Action Center (MAC).

 

Nagpasalamat din ang mga magulang kina Gng. Jocelyn Espejo at Juvy Mercado ng MAC sa walang sawa nilang pag-alalay sa anak na kinailangang magpabalik-balik sa Region I Medical Center mula checkup hanggang siya ay ma-surgery.