Unang Bahagi ng Seminar-Workshop on CDP & CDRA, Ginanap

Ang lahat ng LGU departments at units, national government agencies, at mga representante ng pribadong sektor sa bayan ng Bayambang ay dumalo sa unang bahagi ng Seminar-Workshop upang balangkasin ang Comprehensive Development Plan (CDP) at Climate and Disaster Risk Assessment (CDRA) ng bayan ng Bayambang para sa mga taong 2024-2029.

 

Ito ay ginanap mula February 1 hanggang February 3 sa Balon Bayambang Events Center, kung saan naging trainor-lecturer si EnP Marilou DP. Ortiz, LGOO VI ng bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan. Ang seminar-workshop ay inorganisa ng Municipal Planning and Development Office sa gabay ng Municipal Local Government Operations Officer.

 

Ang CDP ay isang government-mandated plan na naaayon sa Local Government Code. Covered nito ang anim na taon, at nakaangkla sa Comprehensive Land Use Plan, na isa ring required plan ng pamahalaan.

 

Ang CDRA naman ay isang elemento ng mga naturang plano na kailangang nakapaloob sa mga ito, upang maging handa ang lahat ng LGU sa anumang uri ng panganib at sakuna na dulot ng extreme weather o climate change at iba pang natural at man-made disasters.