Noong ika-30 ng Enero, dumalo sa isang Public Hearing ang mga owners and operators ng water filling/refilling station upang malaman ang tamang proseso sa pamamalakad ng kani-kanilang negosyo..ang hearing ay kaugnay ng isang proposed ordinance ukol sa regulasyon ng nasabing mga negosyo.
Sa pagdinig na ito, natalakay ang iba’t-ibang mga dokumento na dapat ay mayroon sila gaya ng Sanitary, Business, Building, at Mayor’s Permit at iba pang dokumento. Ito ay magsisilbing patunay na sila ay lehitimo na makapag-operate ng kanilang negosyo at kung saan ang tubig na kanilang ipoprovide sa mga consumer ay walang maidudulot na masamang epekto sa kalusugan.
Ang pagdinig ay pinangunahan nina Sangguniang Bayan Committee Chairman on Infrastructure and Public Works Chairman, Coun. Gerardo DC. Flores, Committee on Commerce, Trade and Industry and Business Establishments Chairman, Coun. Jose S. Ramos, Committee on Rules, Laws and Ordinances Chairman, Coun. Amory M. Junio, Committee on Health and Sanitation Chairman, Coun. Levinson Nessus M. Uy, at Committee on Small Medium Enterprise Chairman, Coun. Martin E. Terrado II.
Naging resource persons ang mga Sanitary Inspector mula RHU I, II and III na sina Jonathan Florentino (RHU I), Henry Austria (RHU II) at Christian Aquino (RHU III). Dumalo rin si Catalino Santiago ng Hydro-Lab Quezon City, Mila R. Siazon ng Pangasinan Safe Water Laboratory at Virgilio De Vera, Presidente ng Water Refilling Station. Naroon din si Romeo Quinto bilang representative ng BPLO at Atty. Melinda Rose Fernandez bilang representative ng Municipal Legal Officer.
Ang pagdinig ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho. Sa huli, inanunsyo ng RHU na magkakaroon ng training ang mga owners and operators patungkol sa kanilang operasyon.