Isang grand finalist sa singing contest sa GMA 7 na “The Clash (Season 3)” ang naghandog ng awit kay Mayor Niña Jose-Quiambao at sa mga Bayambangueño sa dulo ng Monday flag-raising ceremony noong January 30 sa Balon Bayambang Events Center. Siya ay si Renz Robosa na tubong San Carlos City, Pangasinan.
Si Renz ay nagpakitang gilas sa angking galing sa pag-awit, sa kanyang pangmalakasang rendisyon ng tatlong kanta kabilang na ang “Araw-Gabi” ni Regine Velasquez na isa sa paborito ng alkade ngayon.