Nitong ika-1 ng Pebrero 2023, muling nag-ikot ang Road Clearing Task Force upang tanggalin ang lahat ng nakaharang sa kalsada at sa sidewalk na nagiging sanhi ng peligro sa publiko at pagkasagabal sa mga pedestrian, at maaaring dumagdag sa trapiko.
Nanguna sa operasyon sa Brgy. Zone I, II, III, IV, VII, Nalsian Norte, Tamaro, Cadre Site, Poblacion Sur, M.H Delpilar, Roxas St., Quezon Blvd., at Bani ang Bayambang Public Safety Office, Municipal Engineering Office, Treasury Office, Special Economic Enterprise, Rural Health Unit 1, Bayambang Municipal Police Station, at ang mga opisyal ng mga nasabing barangay.
Sinabihan din ang mga may-ari ng sasakyan na nakaparada sa sidewalk na mag-park sa tamang lugar upang makaiwas sa karampatang penalty o parusa sa ilegal na pagparada.
Ang regular na operasyong ito ay alinsunod sa utos ng Presidente ng Pilipinas sa pamamagitan ng direktibang mula sa Department of the Interior and Local Government Memorandum Circular No. 2022-085. Ito rin ay malaking tulong sa programang Bali-Bali’n Bayambang na ipinapatupad ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Inaasahan ang pag-intindi at pakikiisa ng bawat Bayambangueño para sa mas ligtas at mas maayos na bayan ng Bayambang.