Public Hearing, Ginanap para sa Updated Revenue Code at Market Code

 

Sa pagtatapos ng buwan ng Enero 2023, isang Public Hearing ang muling isinagawa ng Sangguniang Bayan (SB) upang pag-usapan ang mga sumusunod:

– Proposed Tax Ordinance No. 23-001, “An Ordinance Enacting the Revised Revenue Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan,” at

– Proposed Tax Ordinance No. 23-002, “An Ordinance Enacting the Revised Local Economic Enterprise Code of the Municipality of Bayambang, Pangasinan.”

 

Sa pagdinig ay tinalakay ang pag-update ng ordinansa sa mga polisya patungkol sa operasyon ng Bayambang Public Market, Bayambang Central Terminal, Municipal Slaughterhouse, Public Cemetery. Binigyang diin sa usapin ang pagpapaliwanag kung bakit kailangang ayusin ang Economic Enterprise Code at pagbabayad ng mga market operational fees.

 

Pinangunahan ang pampublikong pagdinig ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at ng SB Committee Chairman on Ways and Means, Konsehal Amory Junio, Committee Chairman on Finance, Budget and Appropriations, Konsehal Philip Dumalanta, at Committee Chairman on Small and Medium Enterprises, Konsehal Martin Terrado II noong January 31 sa Events Center. Naroon din sina Social Economic Enterprise Head Joseph Anthony F. Quinto, OIC Market Supervisor, Atty. Melinda Rose Fernandez, at si Municipal Treasurer Luisita Danan para tumulong magpaliwanag ukol sa mga nakasaad sa mga probisyon ng panukalang ordinansa.

 

Nabanggit din ang nalalapit na pagbubukas ng isang Night Market sa Bayambang.

 

Ang public hearing ay inorganisa ni SB Secretary Joel Camacho, at ito ay dinaluhan ng mga apektadong sektor: ang mga establishment at stall owner, vendor, at bus operator.