Noong January 30, inorient ng ICT Office ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) ukol sa mga pagbabago sa Restructured Community-Based Monitoring System. Ang RCBMS ay isang mahalagang database system na pagbabasehan ng ng pamahalaang lokal sa kung anu-ano ang mga pangangailangan sa mga barangay at anu-anong proyekto ang nararapat para sa mga ito. Kaya naman importante na tanging mga tamang datos lamang ang makalap sa bawat kabahayan sa Bayambang sa tulong ng mga BNS.