Bagong wheelchair, natanggap ng dalawang Bayambangueño

 

Dalawang Bayambangueño ang nabigyan ng bagong wheelchair nitong February 1, 2023 sa pagtutulungan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. at Municipal Social Welfare and Development Office.

 

Si Jay-Ar S. Junio mula sa Brgy. Amanperez ay hindi nakakalakad dahil sa pagkasira ng kanyang spinal cord. Si Victoria Rosas mula sa Brgy. Sapang naman ay isang PWD mula pagkabata.

 

Sila ay nag-request noong ika-30 ng Enero kay KKSBFI President, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao ng bagong wheelchair at agad naman itong natugunan sa pagtutulungan ng dalawang ahensya.