Ang bantog na imahe ng Poong Nazareno na nakabase sa Quiapo, Maynila, ay bumisita noong January 28 sa bayan Bayambang.
Sa pag-aasiste ng LGU, ito ay sinalubong ng mga deboto mula pagdating hanggang sa pagkakaluklok nito sa altar ng St. Vincent Ferrer Prayer Park Chapel sa Brgy. Bani.
Sa overnight vigil nito sa nasabing venue, inaasahang dadagsain ito ng mga namamanata masilayan lamang at makapanalangin ng taimtim sa mahal na poon na kilala sa buong bansa bilang isang mapagmilagrong imahe.