PhilRice, Nakipagdayalogo sa mga Executives ng E-Agro

Noong January 26, nagpunta ang executives ng E-Agro sa PhilRice Central Experiment Station ng Department of Agriculture sa Muñoz, Nueva Ecija, kasama ang BPRAT at Agriculture Office, upang talakayin ang MOA para sa paggamit ng PhilRice sa E-Agro bilang isang technology channel upang ang mga magsasaka ng palay ay mas mapaigting ang kaalaman tungkol sa wastong pag-aalaga sa palay hanggang sa pagbenta ng produkto sa merkado.

 

Tinalakay din sa pulong ang programang RiceBIS 2.0 na ang pakay ay magtatag ng isa pang RiceBIS Community sa Brgy. Pantol at mapalakas ang marketing aspect ng mga RiceBIS Community sa Bayambang.

 

Naroon ang mga opisyal ng E-Agro na sina Jorge Yulo at Maricel San Pedro, BPRAT Focal Person on Agricultural Modernization Bernabe Mercado Jr., Agriculture Consultant Artemio Buezon, at MAO technician Jordan B. Junio.

 

Sa hanay naman ng PhilRice, naroon sina Deputy Executive Director for Development Dr. Karen Eloisa T. Barroga; DevCom Division Head, Dr. Diadem G. Esmero; Supervising Science Research Specialist Joel Pascual; at Science Research Analysts Emmekar Antolin at Samuel Reyes.