Bilang parte ng health and wellness program ng LGU para sa mga kawani, sa papamagitan ng HRMO at Sports Council, at sa inisyatibo ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, naglunsad ng Pilates at yoga sessions sa Balon Bayambang Events Center.
Ayon sa HRMO, ang mga aktibidad na ito, tulad din ng Zumba at sports activities, ay tumutulong magpalakas at magpalusog sa pangangatawan ng mga lingkod-bayan. Nakakatulong din ito upang maging masigla sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.