Nursing Students at RHU Staff, Umattend ng Libreng CME Seminar

Bilang parte ng Medical Mission na pinangunahan ng Memphis Outreach Group at UST Medical Alumni Association, naghatid ng libreng Continuing Medical Education Seminar ang mga naturang grupo sa tulong ng BPRAT at Tourism Office, at ito ay nilahukan ng mga PSU-Bayambang students mula sa College of Nursing at mga staff ng Rural Health Unit I. Ang nasabing seminar ay ginanap kinagabihan ng January 24 sa Niña’s Cafe, kung saan nagsilbing speakers sina Dr. Susan Nuñez, Dr. Dionisio Yorro, Dr. Alfonso Q. Estrada, at ang nurse na si Elena dela Cruz.