CSOs, Nagsama para sa Tamaro Outreach

Noong January 22, 2023, nagsagawa ang ilang CSOs ng libreng blood sugar screening na may kasamang libreng bitamina, monitoring ng blood pressure, feeding program, SIM card registration, at libreng ukay na damit sa Barangay Tamaro Multipurpose Hall para sa mga residente ng Barangay Tamaro, Bayambang, Pangasinan.

 

Ito ay pinagsamang proyekto ng Bayambang Bayanihan Lions Club, Rotary Club of Bayambang, at Junio ​​family, kasama ang Rotaract Bayambang at Bayambang Maaro Leo Club, pati na ang PNP-Bayambang.