Kabutehan ni Cyl, Binisita ng DSWD-Pangasinan

Noong January 20, binisita ng DSWD-Pangasinan, sa pangunguna ni G. Gilbert Cariño ng Provincial DSWD-SLP, ang mushroom production ng “Kabutehan ni Cyl” sa Brgy. Inirangan upang humingi ng update sa livelihood project para sa mga kababaihan na pinangungunahan ni Mayor’s Action Center head Jocelyn Espejo.

 

Bilang simpleng selebrasyon ng kanilang unang anibersaryo, naroon din ang laging naka-alalay sa proyekto, ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. na siya ring nagsilbing monitoring team para sa proyekto.