Noong January 18, inilunsad ng LGU ang Oplan Kandado, ang pagpapasara sa mga market stall ng mga stall owners na matagal nang hindi nakakapagbayad ng renta. Ang kautusan ay ipinatupad sa pagtutulungan ng Special Economic Enterprise, Market Office, PNP, Engineering, Treasury, BFP, BPSO, at ilang Zone 1 barangay officials.
Sinimulan ang pagpapadlock ng stall ng 26 delinquent stall owners sa tatlong lugar sa bayan: ang Bayambang Commercial Strip, Public Market Block 2 (sa silong ng Royal Supermarket), at Public Market Block 3 (sa taas ng Magic Supermarket).
Ang operasyong ito ay alinsunod sa Market Code at Revenue Code kung saan ang sinumang hindi makapagbayad ng renta sa unang sampung araw kada buwan ay awtomatikong mawawalan ng karapatang umukopa sa nirerentahang stall.
Pinaalalahanan ang lahat ng mga negosyanteng mayroong puwesto sa bayan sa kanilang tungkulin na magbayad ng market fees. Ang nalilikom na pondo mula rito ay ginagamit ng LGU sa operasyon nito at sa pagpapaunlad ng bayan.