Medical Tool Product Demo

Noong January 18, nagproduct demo ang isang vendor para sa isang portable medical tool, ang Garea Medical Physiological Monitor, salamat sa tulong ng kaibigan ni Mayor Niña Jose-Quiambao na si G. Anton Magsaysay sa pakikipagtulungan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.

Ang produt demo ay ginanap sa Niña’s Cafe kasama ang BRPAT at ilang RHU personnel.

 

Ang portable monitor ay ginagamit upang madaliang madiagnose ang electrocardiogram o ECG, heart rate, blood pressure, oxygen saturation, at pulse rate ng isang pasyente.

 

Ito ay nagkakahalaga ng P1.8M at nakatakdang gamitin sa mga medical mission at tuwing mag-iikot ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ng LGU.