Liquid Soap-Making Training Para sa mga Solo Parent

Ang MSWDO ay nag-organisa ng isang training sa paggawa ng liquid soap para sa mga solo parent sa bayan kabilang na ang sampung empleyado ng munisipyo.

Naging resource speaker at trainor si Science Research Specialist I, Engr. Rendel Jay D. Nisperos, ng DOST Region I, na nagbahagi ng kanyang karanasan sa paggawa ng naturang produkto at kung paano nito nabago ang kanyang buhay mula pagiging tambay sa bahay sa pagiging isang negosyante, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

 

Ipinakilala rin nito ang mga raw materials na kailangang gamitin sa pagformulate ng sabon at anu-ano ang mga dapat na gawing pag-iingat dahil ang ilan sa mga ito ay maaaring makairita sa balat kung direktang dumapo dito.

 

Layunin ng training na ito na mabuksan ang kaisipan ng mga solo parent sa pagnenegosyo upang makatutulong sa pagtaguyod ng kanilang mga anak lalo pa’t wala silang katuwang sa buhay.

 

Sa mensahe ni Councilor Benjie de Vera, na siyang Sangguniang Bayan Committee Chairperson ng Social Services, sinabi nito na, “Agaylay irap na bilay natan katon walay unya ya training piyano naibangat ed sikayo so pangalaan ya bilay.”

“Hopefully ay mahanapan natin ito ng pondo para maging seed capital ninyo,” dagdag pa nito.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni MSWDO OIC Josie Niverba at ni Solo Parent Focal Person Arsenia R. Baniqued sa lahat ng solo parent na nakilahok sa training dahil sa kanilang interes at oras na inilaan dito.

 

Nag-enjoy at natuto ang mga partisipante sa naturang training dahil sila mismo ang nagtimpla at nagsukat ng mga raw materials na ginamit sa pagformulate ng sabon.