Noong Oktubre 21, nagbigay ng libreng serbisyo na may tatak “Total Quality Service” ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5 sa mga residente mula sa tatlong barangay ng Buayaen, Dusoc at Telbang, at ito ay ginanap sa Telbang Elementary School.
Isang masiglang pagsalubong sa buong team ng KSB Year 5 ang ibinigay Telbang Punong Barangay Carlos Sta. Teresa, kasama Dusoc PB Ricky P. Penuliar, at siyempre si Telbang Elementary School Principal Roderick P. Rebamontan.
Sa paunang talumpati ni Principal Rebamontan, sinabi niyang siya ay nasisiyahan dahil ang pagtitipong naganap ay tila pagtitipon ng isang pamilya na nagbuklod sa kabila ng pagiging busy ng bawat isang dumalo.
Nag-iwan naman ng pamukaw-sigla na mensahe ang isa sa mga Municipal Councilor Martin Terrado II: “Isa na namang pagkakataon ito na ibalik sa inyo ang pagmamahal niyo sa amin, at makasisiguro kayo na tuluy-tuloy ang ating paghakbang para sa kaunlaran at sa kapakanan ng bawat Bayambangueño.” Payo niya, “Tayo po ay mag-umpisa sa paglinis ng ating kapaligiran, upang tayo ay makaiwas sa sakit. At kung walang sakit ang bawat isa, mas produktibo tayong mamamayan ng ating bayan, at doon nag-uumpisa ang progreso na ating inaasam.”
Sa isang audiovisual presentation, isang mensaheng may pagmamahal naman ang inihatid ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga dumalo: “Niña-aro ta kayon amin ya Bayambangueños, kaya napakarami nating proyekto na tumututok sa pagtugon sa mga pangangailangan ninyo sa kalusugan, karapatan, kabuhayan, at kaunlaran.”
Sa kanyang panghuling salita, sinabi ni PB Sta. Teresa na, “Ako’y taas-noong ipinagmamalaki ang ating bayan dahil mayroong bayanihan na makikita sa ating lahat.”
Sa ulat ng overall organizer ng KSB Year 5 na si Dr. Roland Agbuya, may 1,087 na benepisyaryo ang event na ito. Narito ang kabuuang datos:
Clients at venue (HRMO & Accounting): 365
Clients in field services: 722
Total registered clients: 1,087
Breakdown of field services:
MAO: seedling distribution: 42 (400 packs assorted vegetable seedlings) (P800); animal pet owners served: 46
(P4,600)
Assessor: 32
Treasury: 498
Dental services:
Tooth extractions: 18; tooth extracted: 24 (P3,600)
Dentures: 14 (upper or lower: 4; upper/lower: 7; complete denture: 3); dentures (per arch): 24 (P24,000)
Fluoride application, toothbrushing drill, oral health IEC: 105 (P31,500)
Total patients: 137 (P59,100)
Ultrasound: 25 clients (P10,000)
Circumcision: 6 (P3,000)
Services at Telbang Elementary School
MSWDO: 3
LCR: 9 (P2,100)
MPDC: 3
MAC: 3
MESO: 1
KKSBF haircut: 117 clients; 10 haircutters (P7,000)
Medical Consultation: 176 (Pedia: 40; Adult: 110; Prenatal check-up: 26)
Blood chem/serology/CBC/UA/Hgb,Hct: 61 patients (P31,030)
Medicines and vitamins: (P24,891)
Giveaways: 277 (P7,875)
Covid-19 vaccination: 9
Health IEC
0-5 y.o.: 49
6-10 y.o.: 59
11-19 y.o.: 50
20-39 y.o.: 38
40 & older: 91
Pregnant: 29
Food (GSO): to follow