Noong September 29, ginanap ang awarding ng resolusyon para sa retensyon ng drug-cleared status ng mga barangay ng Bayambang. Ang naturang resolusyon ay iginawad ng PDEA, kasama ang PNP, DILG, at DOH, kay Mayor Niña Jose-Quiambao sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Pinangunahan ni PDEA Provincial Director Rechie Q. Camacho ang seremonya, kasama sina MLGOO Royolita P. Rosario, PNP-Bayambang OIC Chief Rommel P. Bagsic, at Municipal Health Officer, Dra. Paz F. Vallo.
Nirepresenta ni Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr., si Mayor Jose-Quiambao, at ni PNP-Bayambang Deputy PMaj Mark Tubadeza si PLtCol Bagsic. Naging kinatawan naman ng mga kapitan si Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista.
Kasama sa awarding ang pagturn-over ng Barangay Drug-Clearing Program Manual of Operation sa lahat ng BADAC members.