Mayor NJQ, Sinurpresa ang LGU Employees ng Drug Test

Bilang parte ng mabuting pamamahala, sinisiguro ni Mayor Niña Jose-Quiambao na drug-free ang lahat ng empleyado ng LGU-Bayambang. Kaya naman sinurpresa nito ang lahat ng mga opisyal at kawani ng isang drug test matapos ang Monday flag-raising ceremony ngayong araw, October 17, 2022 sa Balon Bayambang Events Center sa tulong ng mga RHU at mga elemento ng PNP.

 

Walang sinuman ang nakalabas ng bulwagan nang hindi nakakapagpa-drug test, at binigyan din ng palugit sa loob ng araw na ito ang lahat ng hindi nakapasok sa iba’t-ibang kadahilanan na magtungo sa RHU I upang

magbigay ng urine sample.

 

Ito ay upang matiyak na ang bawat isa ay hindi gumagamit ng ilegal na droga na siyang malimit na nagiging sanhi ng heinous crimes kagaya ng rape, pagpatay, pagnanakaw at iba pang bayolente at karumal-dumal na gawain.

 

Sa pananaw ni Mayor NJQ, nararapat lamang na bilang mga lingkod-bayan ay nangunguna at nagpapakita ang mga kawani ng mga aksyon na magiging magandang halimbawa para sa lahat ng mamamayan.