Committee Hearing on Barangay Annual Budget at AIP, Isinagawa

Nagsagawa ng isang Committee Hearing ang Sangguniang Bayan (SB) ukol sa Barangay Annual Budget at Annual Investment Program (AIP) para sa Calendar Year 2023 noong January 11 sa SB Session Hall, sa pangunguna nina Committee on Finance, Budget, and Appropriations Chairman, Coun. Philip Dumalanta, Committee on Rules, Laws, and Ordinances Chairman, Coun. Amory Junio, at Committee on Barangay Affairs Chairman, Coun. Rodelito Bautista.

Ito ay dinaluhan ng mga Punong Barangay kasama ang iba pang mga Barangay Council members mula sa 41 na barangay na nauna nang nakapagsumite ng kanilang Annual Budget upang sagutin ang mga katanungan na maaaring ibato sa kanila sa naka-schedule na Public Hearing mula sa mga konsehal na may hawak ng kani-kanilang mga distrito bago pa man nila aprubahan ang naturang budget.

 

Ilan sa mga isyung nabigyang pansin ay ang mga pending projects ng bawat barangay, partikular na ang sa imprastraktura gaya ng Barangay Covered Court, Basketball Court, Barangay Hall, at iba pa. Matapos ang ilang oras na pagdinig sa mga hinaing at mga proyektong paglalaanan ng pondo ng mga barangay, agad namang nabigyan ng solusyon ang mga ito at kalaunan ay matagumpay na naaprubahan ang kani-kanilang budget sa SB Committee level.

 

Kabilang din sa mga konsehal na nag-apruba sa Brgy. Annual Budget at AIP ay sina Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, Coun. Gerry Flores, Coun. Martin Terrado II at Coun. Levinson Nessus Uy.