Supplemental AIP, ELA 2023-2025, at AIP 2023, Iprinisenta at Inaprubahan sa 3Q MDC Meeting

Muling nagpulong ang mga miyembro ng Municipal Development Council sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, September 30, 2022, sa pag-oorganisa ng Municipal Planning and Development

Coordinator.

 

Ito ay upang maaprubahan na ang mga nakahanay na programa at proyekto ng LGU para sa nalalapit na pagpasok ng taong 2023 hanggang sa taong 2025.

Naroon sina Mayora Niña Jose-Quiambao, Coun. Philip Dumalanta, Executive Assistant

Carmela Atienza-Santillan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, OIC Municipal Planning and Development Officer Ma-lene S. Torio, MLGOO Royolita P. Rosario, at KKSBFI COO Romyl Junio.

 

Kabilang sa mga iprinisenta para sa approval ng konseho ay ang mga sumusunod:

– Supplemental AIP No. 2 for CY 2022

– Executive-Legislative Agenda – Capacity Development/Local Development Investment Program (ELA-CapDev/LDIP) 2023-2025

– Annual Investment Program for CY 2023

 

Sinigurado rin ng konseho na marinig ang panig ng mga Punong Barangay para matiyak na mabigyang-pansin ang mga pangangailangan ng kanilang nasasakupan.

“Isulat ninyo lahat ng projects na hindi pa natin natatapos at ihingi natin ng request for assistance mula sa probinsya,” panghihikayat sa kanila ni First Gentleman at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao.

 

Sa bawat proyekto at programang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ay may nakalaang budget upang matagumpay na maisagawa ang mga ito sa likod ng malaking kaltas sa National Tax Allotment (NTA) ng LGU. Dahil naging mas mahirap ang pababudget ng Munisipyo, naging daan ang pulong na ito para magkaroon ng mas masusing prioritization ng mga aktibidad para magpatuloy ang progreso ng bayan.