Mobile Assistance para sa Delayed Registration of Birth, Nagpatuloy sa Ibang Barangay

Ang kawalan ng birth certificate ng sinuman ay karaniwang nauuwi sa maraming aberya sa paglakad ng mga papeles para sa iba’t-ibang layunin.

Kaya naman patuloy sa pag-iikot ang Local Civil Registry Office kasama ng Philippine Statistics Authority para magbigay ng libreng serbisyo para sa delayed registration of birth.

 

Sa mga nakaraang araw, ang LCR at Philsys team ay nagtungo sa Brgy. Inanlorenza, Poblacion Sur, Zone IV, at Zone V.