Kaibigan ng BPSO, Nagpamahagi ng Medical Items for First Aid

 

Noong ika-05 ng Enero sa taong kasalukuyan, isang Bayambangueño na kaibigan ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) ang nagpamahagi ng mga medical item for first aid para sa mga lay rescuer ng BPSO. Siya ay si G. Floro T. de Vera Jr., isang registered nurse at miyembro ng isang Emergency Medical Technician at Paramedic group sa bansang Qatar.

 

Dahil dito, siya ay inanyayahan ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, upang magbigay ng kaalaman sa paggamit ng mga medical item na kaniyang ipinamahagi sa mga miyembro ng BPSO Rescue Team at iba pang dagdag kaalaman sa first aid. Ang kanyang demo session ay umabot ng kalahating araw.

 

Kabilang sa kanyang ipinamahagi ay mga blast bandage, multi-trauma dressing, burnshield, Guedel airway, shapeable splint, pelvic sling, medical bag, ChitoGauze, wound splint kit, tactical torniquet, triangular bandage, disinfectant and cleaning wipes, nurse clipboard organizer, instant hot pack, at instant ice pack.

 

Dahil sa kagandahang loob ng ating kababayan, ang buong LGU family ay lubos na nagpapasalamat kay G. de Vera sa ngalan ng lahat ng Bayambangueño.