Nagbigay ng 10 kaban ng bigas (50kg each) si Gov. Ramon “Monmon” Guico III sa opisina ng MDRRMC upang ipamahagi para sa mga frontliners ng Carlos P. Romulo Bridge emergency operations.
Sa inisyatibo ng MDRRMO, hinati-hati sa 1-4 kilos ang 500 kilong bigas para sa 246 volunteers na nagbigay ng serbisyo para sa bayan noong kasagsagan ng pagguho ng bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge noong ika-20 ng Oktubre hanggang 8 ng Nobyembre taong 2022.
Ang mga benepisyaryo ay mga taga-Engineering, GSO, Motorpool, BPSO, MDRRMO, LGU transport group, Community Investigative Support (CIS), at Reaction 166.