Muling nagbalik sa LGU-Bayambang ang mga trainor-consultants ng Neo-AMCA Innovative Solutions Corp. para naman sa Internal Quality Audit Training ng mga na-appoint na Quality Auditors ng kada departamento. Kabilang sa mga aktibidad ang simulated audit ng mga internal auditors sa lahat ng mga departamento.
Ang pagsasanay ay kasalukuyang ginaganap sa Balon Bayambang Events Center at matatapos sa loob ng limang araw (December 9-13).