Seminar-Workshop on CLJIP, Ginanap

 

Noong December 27 at 28, nag-organisa ang MSWDO ng isang Training-Workshop upang repasuhin ang Comprehensive Local Juvenile Intervention Plan (CLJIP) ng LGU-Bayambang at base rito ay bumalangkas ng isang Local Intervention Program para sa susunod na tatlong taon.

 

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Rule 18 ng Revised Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 9344, o mas kilala bilang Act Strengthening the Juvenile Justice System in the Philippines (as amended), kung saan nakasaad ang pagbuo ng bawat LGU ng CLJIP nito at ng isang Local Juvenile Intervention Program mula sa barangay hanggang sa provincial level. Ito ay upang mas epektibong ma-address ang mga concern ng tinaguriang children-at-risk (CAR) at children in conflict with the law (CICL).

 

Sa aktibidad na ito na ginanap sa Balon Bayambang Events Center, naging resource speaker ang Team Leader ng Secretariat ng Region I Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) na si Jocelyn P. Mariano, RSW III. Ginabayan ni Ms. Mariano ang mga LCPC members kung paano gawin ang Local Juvenile Intervention Program gamit ang isang guide ng JJWC.