Muling nag-road clearing operations ang Road Clearing Task Force noong October 17, simula 3:00 ng hapon, kung saan kanilang inabisuhan ang mga ambulant vendors na ilegal na umuukopa sa mga sidewalk na nagiging sagabal sila sa mga pedestrian at nagiging sanhi ng peligro sa publiko, lalo na sa motorista.
Kanilang ginalugad ang mga sidewalk sa kahabaan ng Quezon Blvd., Lower Cadre Site, Poblacion Sur, at Nalsian Sur.
Ang road clearing team ay pinangungunahan ni BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, kasama sina OIC Deputy Chief Mark Tubadeza at PLt. Gerard Cadwising ng PNP-Bayambang, Engineering Office, DILG, ESWMO, Dr. Joselito Rosario ng Slaughterhouse, SEE, RHU I, BFP, MPDC, at CSO representative.