Tuluy-tuloy ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa taong kasalukuyan, at muling iniabot ang mga iba’t-ibang serbisyo ng munisipyo noong October 7 sa Pugo Evacuation Center, Brgy. Pugo, kabilang ang karatig-barangay ng Wawa at Darawey para makatanggap ng serbisyo tulad ng medical check-up, X-ray, ultrasound, dental services, agricultural services, Treasury at Assessor’s Office services, haircut, rehistrasyon sa mga livelihood training program ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, at marami pang iba.
Pambukas na mensahe ni Pugo Punong Barangay Leo M. Junio, “Mapalad tayo sapagkat sila na ang lumalapit para magbigay ng serbisyong totoo, kaya samantalahin ang ganitong pagkakataon at tayo ay makiisa sa bawat programa na ihihahandog ng lokal na pamahalaan.”
Dumalo rin sa programa sina Konsehal Mylvin Junio, Konsehal Martin Terrado II, Konsehal Amory Junio, Konsehal Levinson Nessus Uy at Konsehal Gerardo Flores, ilang LGU deparment heads at kasama ang mga duktor sa Bayambang RHUs na sina Dr. Paz F. Vallo, Dr. Adrienne Estrada, at KSB Chairperson, Dr. Roland Agbuya.
Ipinabatid naman sa lahat ni Councilor Uy ang pagbabawas ng national government sa budget ng lahat ng LGU sa bansa, kaya maraming sinakripsyo ang lokal na pamahalaan, pero aniya ay pinilit pa ring ipagpatuloy ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sapagkat ang proyektong ito ay nakakatulong sa bawat Bayambangueño.
Sa likod nito, pagsisiguro naman ni VM IC Sabangan, “Ang LGU ay hindi magsasawa at mapapagod para magbigay ng libreng serbisyo.”
Naroon din ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. Chief Operating Officer Romyl Junio, na nagsabing, “Ang KKSBFI ay lalong pinalawak at pinatibay sa pagbibigay ng mga tulong pangkabuhayan, kaya tangkilin nating ang mga produktong gawang Bayambangueño.” Siya ay nag-anyaya sa lahat tungkol sa Livelihood Training Program na handog ng KKSBFI, ang foundation na itinatag ni Dr. Cezar T. Quiambao upang makatulong magbigay ng karagdagang kaalaman tungo sa pagkakaroon ng magandang trabaho at kinabukasan.
Sa kanyang mensahe gamit ang video, patuloy naman na siniguro ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang pagdaloy ng malinis at tapat na serbisyo publiko sa buong bayan ng Bayambang. Aniya, “Kaya naman napakarami nating proyekto na tumututok sa pagtugon sa mga pangangailangan ninyo sa kalusugan, karapatan, kabuhayan, at kaunlaran.”
Dagdag niya, “Walang sinuman ang ating iiwanan. Kaya sana ay tulungan ninyo ang lokal na pamahalaan. Tulungan ninyo kami dahil ang lahat ng ito ay para sa inyo. Nais nating wakasan ang kahirapan dahil naniniwala kami na bawat pamilya ay dapat namumuhay ng maayos at marangal, at bawat bata ay dapat malaya sa pagkamit ng kanilang pangarap na magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan.”
Sa ulat ni Dr. Agbuya, mayroong kabuuang 683 na residente ang naging benepisyaryo, at narito ang breakdown ng mga serbisyo at gastusing natipid ng mga benepisyaryo.
Clients at the venue (HRMO & Accounting): 164
Clients in field services: 519
Total registered clients: 683
Field services:
MAO: 58 clients for 600 packs of assorted veg seeds (P1,200) and 20 fruit-bearing trees (P1,000)
Assessor: 78
Treasury: 264
Dental services: 142 patients (P61,950): tooth extractions – 11 patients, teeth extracted: 15 (P2,250); dentures – 12 patients, dentures (per arch): 24 (P24,000); fluoride application, toothbrushing, oral health IEC – 119 patients (P35,700)
Ultrasound: 26 clients (P10,400)
Circumcision: 9 (P4,500)
Services at Pugo Evacuation Center
MSWDO: 2
LCR: 10 (P6,200)
MPDC: 1
MAC: 2
MESO: 0
KKSBFI haircut: 72 clients; 10 haircutters (P7,000)
Medical consultation: 106: pedia-17, adult-80, prenatal check-up-9
Blood chem/serology/CBC/UA/Hgb,Hct: 49 patients (P22,030)
Medicines and vitamins: (P12,995)
Giveaways: 138 clients (P4,020)
Distribution of face masks (MDRRMO): 90 pieces (P630)
Health IECs: 0-5 y.o. – 10; 6-10 y.o. – 14; 11-19 y.o. – 5; 20-39 y.o. – 18; 40 y.o. & older – 85; pregnant women – 9
Food (GSO): to follow
Total clients vaccinated for Covid-19: 4