LGU Employees, Dumalo sa Gender Sensitivity at Personality Development Seminar

Ayon sa isang advocate, “Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay pakikibahagi rin ng tungkulin sa kaunlaran ng bawat isa.”

Ito rin ang naging ideolohiya ng 2-in-1 seminar na isinagawa ng Human Resource Management Office noong ika-25 ng Oktubre sa Balon Bayambang Events Center.

 

Ayon kay HRMO head Nora R. Zafra, may 150 LGU employees ang umattend dito.

Sa morning session ay nagbigay ng pambungad na salita si Mayor’s Action Center head, Jocelyn Espejo. Pinangunahan naman ni Social Welfare Officer III, Ms. Evelyn C. Dismaya, ang diskusyon ukol sa gender sensitivity. Nakapaloob sa kanyang presentation ang mga naaayong batas at karapatan ng bawat sekswalidad sa loob at labas ng trabaho.

 

Sa afternoon session naman, nagbigay ng inspirational message si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, kung saan binanggit niya na ang lahat ay dapat bigyang respeto, mapababae, lalake, o ating mga kapatid sa LGBT community. Dagdag pa niya, ang lahat ay responsable sa mga maling salita at gawa sa kapwa. Naging resource speaker naman si Ms. Judith V. Cabillo, Disability Affairs Officers III, para sa paksang Personality Development. Isa sa mga tinalakay niya ang ethics sa loob ng opisina, kabilang ang tamang asal sa formal gatherings, tamang office attire, at tamang pagtanggap ng mga kliyente ng LGU.

 

Pormal na isinara ang seminar ng may pasasalamat ni HRMO Administrative Officer Rosario de Leon.