Ang buong bayan ng Bayambang ay nagpapasalamat kina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao sa kanilang Pamaskong Handog ngayong taon. Ito ay matapos mamigay ng P13.5 milyong piso na pamasko mula sa kanilang personal na pondo para sa 45,058 na pamilyang Bayambangueño. Dahil sa maagang aguinaldong ito, tiyak na may handa ngayong Pasko ang lahat ng Bayambangueño.
Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming-maraming salamat po sa inyo, Sir Cezar at Ma’am Niña! Sana pagpalain po kayo lalo ng Poong Maykapal.