2nd Batch ng Rice Farmers, Tumanggap ng Cash Cards para sa DA Financial Assistance

May 4,016 magsasakang Bayambangueño ang nakatanggap ng cash cards para sa second batch ng financial assistance mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Landbank ngayong araw, December 17, sa Pugo Evacuation Center, Brgy. Pugo.

 

Ayon sa Agriculture Office, ang bawat magsasakang nakatakdang makatanggap ng P5,000 ay yaong nakarehistro as of May 31, 2021 sa updated Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasaka na di lalagpas sa dalawang ektarya.

 

Ang ayudang ito ay matatanggap ng mga magsasaka ng buo at walang anumang kaltas.