Noong Disyembre 16, bumisita ang opisina ng MDRRM sa PDRRMO La Union at La Union 911 upang tignan ang mga rescue equipment at DRRM best practices ng probinsya. Ipinakita sa kanila ang iba’t-ibang rescue equipment at medical supplies and equipment, pati na iba’t-ibang parte ng kanilang pasilidad. Nakipagkita rin sila ay La Union Governor Raphaelle Veronica Ortega-David na nagbahagi ng kanilang plano upang masiguro na ligtas ang bawat mamamayan ng La Union.