Muling bumisita ang mga taga-LGU-Pinamalayan, Mindoro Oriental sa Bayambang upang magbenchmarking activity.
Sa pagkakataong ito, ang grupo ay mula sa Human Resources Management Office ng LGU, sa pangunguna ng kanilang deparment head na si Nemia B. Monsanto.
Sila ay ipinasyal noong December 12 sa iba’t-ibang lugar sa Bayambang at noong December 13 ay winelcome sa Niña’s Cafe nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, BPRAT/Tourism Office head, Dr. Rafael L. Saygo, at Budget Officer Princesita Sabangan. Matapos nito ay inilibot ang mga bisita sa Munisipyo at Annex Building.