Ang LGU-Bayambang ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Odyssey Hub Outpatient Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center para sa programa ng LGU na gawing drug-free ang bayan ng Bayambang.
Pumirma para sa LGU si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Pumirma naman sa panig ng Odyssey ang Director of Operations nito na si Dunn Donald Atayde Asencio. Tumayong witness sa MOA-signing sina Municipal Health Officer, Dra. Paz F. Vallo, at HRMO department head Nora R. Zafra.
Ang MOA-signing ay ginanap noong December 12 sa Mayor’s Office.
Sa ilalim ng naturang MOA, magiging exclusive service provider ng LGU ang Odyssey para sa mga nais sumailaim sa drug rehabilitation program nito.
Ang nasabing drug rehab center na nakabase sa Baguio City ay accredited ng Department of Health.