Noong December 9, nakipagpulong ang Department of Agrarian Reform – Region I sa Sangguniang Bayan members at iba pang mga opisyal upang pag-usapan ang awarding ng isang low tunnel greenhouse para sa white onion bilang farm input.
Pinangunahan nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, Councilor Benjie de Vera, Councilor Amory Junio, Councilor Martin Terrado II, Sangguniang Bayan Secretary Joel Camacho ang pagsalubong kay DAR Regional Director at Provincial Agrarian Reform Program Officer Maria Ana V. Francisco sa Mayor’s Conference Room, kasama sina Municipal Cooperative Development Officer OIC Albert Lapurga at Northern Bayambang Multipurpose Cooperative President Manuel Chua.
Ang naturang greenhouse ay nagkakahalaga ng P1,200,000, at nakatakdang iaward sa Northern Bayambang Multipurpose Cooperative ng Brgy. Buenlag 1st.
Upang masimulan ang proyektong ito, kinakailangang magkaroon ng Memorandum of Agreement ang LGU sa ahensya at kinakaukulang SB Resolution na mag-aapruba sa nasabing proyekto.
Kabilang ang Bayambang sa tatlong bayan lamang sa Pangasinan ang pinaunlakan ng DAR sa proyektong ito, sa pamamagitan ni DAR Secretary Conrado Estrella III at Congresswoman Rachel Arenas.