Sa muling pagkakataon, matapos ang mahabang pandemya, isang makulay, makinang at mala-festival na programa para sa mga Child Development Learners ang ginanap noong December 9 sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park.
Sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO), inorganisa ng Bayambang Child Development Workers Federation (BCDWF) ang Children’s Festival 2022 para sa mga chikiting na naka-enrol sa mga Child Daycare Center ng Bayambang.
Nag-umpisa ang event na ito sa isang engrandeng float parade ng mga tinanghal na mga prinsesa, prinsipe, reyna at hari ng lahat ng CDCs. Ang parade ay nagsimula sa grounds ng SVPP at nagtapos sa venue ng programa. Dito ay dumalo si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, MSWD Officer Kimberly Basco, at ang tatlong judge para sa dance competition na sina Angelo delos Ama Flores, Julius L. Padua, at Dr. Araceli Gabriel Galsim.
Kasama ang mga guardians ng learners, at naroon din ang PNP-Bayambang at BPSO para sa seguridad.
Sa special na mensahe ni VM Sabangan, siya ay nagbigay ng commendation sa MSWDO at sa mga CDW dahil sa kabila ng realidad na nahahati na ang atensyon ng mga bata dahil sa mga gadgets ay nagagawa pa nila ang kanilang tungkulin. Kaya itong Christmas dance competition aniya ay isang magandang paraan upang mahubog ang mga talento ng mga bata at naiiwas pa silang magcellphone.
Bago ang kompetisyon, nagbigay ng special performances ang CDWs at LGU Daycare learners.
Sa Christmas Dance Competition, may tig-20-30 na bata mula sa 8 clusters ng CDCs ang nakilahok. Mas naging makulay at nagkaroon ng cuteness overload ang venue dahil sa kanya-kanyang paandar, paghataw at patalbugan ng mga learners sa kanilang mga sayaw.
Sa huli, naiuwi ang P10,000 grand prize ng nahirang na winner, ang Red Team mula sa Cluster 2. 1st runner-up naman ang Violet Team mula sa Cluster 8 with P6,000 prize at 2nd runner-up naman ang Yellow team ng Cluster 5 with P4,000.
Sa hapon naman ay nagkaroon ng Coronation Ceremony para sa mga reigning beauty and escorts. Tinanghal na reyna si Shaira Mae Esteban ng Warding CDC at hari si Zhian Gexel Gomez ng Amancosiling Norte CDC.