Tiyak na magiging masaya ang Pasko ng mga aplikanteng nakahanap ng trabaho, sa isinagawang job fair ng Bayambang Public Employment Services Office (PESO) noong December 9 sa Balon Bayambang Events Center.
Ayon sa ulat ng PESO-Bayambang, mayroong 1,400 job vacancies mula sa 13 local employers at 2 overseas employers sa special Christmas job fair na ito. At sa 70 na mga aplikanteng dumating, 89 ang naging qualified, at 19 sa mga ito ang hired on the spot at 11 naman ang near-hires.
Ang aktibidad ito ay isa na namang oportunidad sa mga job hunters na magkaroon ng bagong trabaho sapagkat kasama sa adhikain ng administrasyong Quiambao-Sabangan na mabigyan ng trabaho ang bawat Bayambangueño dahil isa ito sa solusyon upang mapagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.