Sa 4th quarter meeting ng Peace and Order and Public Safety Cluster (MPOC) na inorganisa ng Municipal Local Government Operations Officer noong December 9 sa the Mayor’s Conference Room, nagpresenta ng kani-kanilang 3rd quarter accomplishment report ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa pangunguna ng PNP-Bayambang, Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa pangunguna ng MDRRM Office, at People’s Law Enforcement Board (PLEB).
Nagpresenta rin ang bawat naturang Council ng kani-kanilang PPAs (programs, projects, and activities) para sa taong 2023.
Nagbigay naman ng update ang Covid-19 Task Force sa pangunguna ng RHU I, at ang Road Clearing Task Force sa pangunguna ng Bayambang Public Service Office.
Sa pagpupulong ay nagsilbing kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini A. Sagarino.