BPSO, Muling Nagbigay ng Road Safety Orientation Seminar

Isa na namang Road Safety Orientation Seminar ang inorganisa ng BPSO sa pangunguna ni BPSO Chief Officer, Ret. Col. Leonardo

Solomon upang makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa mga motoristang Bayambangueño nang maiwasan nila ang paggawa ng anumang traffic violations na maaaring magdulot ng disgrasya sa kalsada.

 

Ang aktibidad na ito, na isinagawa noong December 8 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, ay dinaluhan ng mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon sa Bayambang kabilang ang Xtreme Riders Club Pangasinan Inc., Reaction 166 Animal Kingdom, Samahang Ilokano, Tau Gamma Phi, Kabalikat Civicom, Community Investigative Group, United Ilocandia Riders Club at Bayambang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).

 

Nagsilbing guest speakers sa naturang seminar sina Municipal Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at PLt. Jesus Flores ng PNP-Bayambang.

 

Mga representante mula sa Highway Patrol Group at LTO Region 1 naman ang naimbitahan bilang guest lecturers.