Mga Alagang Baboy sa Langiran na Pinaghinalaang May ASF, Nag-negatibo sa Confirmatory Test

Noong December 7, nagsagawa ang Municipal Veterinarian ng isang African swine fever (ASF) rapid test sa mga alagang baboy sa Brgy. Langiran dahil may mga nagkasakit at nangamatay sa mga ito. Sa inisyal sa finding ng test na may 80%-90% accuracy rate, nagpositibo sa ASF ang naturang mga baboy, kaya’t kaagad na nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Niña Jose-Quiambao.

 

Bilang tugon, nagsagawa agad ng confirmatory test ang Office of the Provincial Veterinarian kasama ang Municipal Veterinarian at livestock support ng Municipal Agriculture Office (MAO). Sila ay magkatuwang sa pagkolekta ng 30 blood samples na agad nilang pina-analisa sa Regional Disease Diagnostic Laboratory ng Department of Agriculture.

 

Mabuti na lamang at nagnegatibo sa confirmatory test ang lahat ng baboy na sumailalim dito.

 

Samantala, pinaalalahanan ng MAO ang mga nag-aalaga ng baboy sa Bayambang na paigtingin ang kanilang bio-security measures upang hindi makapasok ang ASF virus sa ating bayan.